6 Palaro records binasag ng mga NCR swimmers

6 Palaro records binasag ng mga NCR swimmers

Posted By: Bombo Radyo Viganon: 

April 19, 2018

 

Source: http://www.bomboradyo.com/6-na-records-sa-swimming-binasag-ng-mga-taga-n...

VIGAN CITY- Naghari ang National Capital Region Athletic Association (NCRAA) sa iba’t-ibang events sa swimming competition kung saan ay anim sa kanila ang nakabasag ng record.

Sa girls 200m Breaststrokes Secondary girls ay winasak ni Thanya Angelyn Dela Cruz sa pamamagitan ng 2:46:36 ang record ng kapwa niya taga NCR na si Bela Louise Magtibay na 2:47:48 na naitala noong nakaraang taon.

Hinigitan naman ni Mark Jiron Rotoni sa pamamagitan ng 2:27:66 ang record ng kapwa din niya taga NCR na si Drew Magbag na 2:28:28 sa 200M breastroke secondary boys na nakuha niya noong 2017 Palarong Pambansa.

Sa 200 meters individual medley elementaery girls naman ang pinangunahan ni Michaela Jasmine Mojdeh sa pamamagitan ng 2:22:12 kung saan ay binasag niya ang record ni Raven Faith Alcoseba ng CVRAA na 2:33:71 noong 2015 sa 200m individual medley elementary girls.

Hindi nagpatalo si Philip Joaquin Santos (2:13:05) sa 200 individual medley Secondary Boys matapos basagin ang record na ginawa pa noong 1998 ni Carlo Picco mula sa Western Visayas na 2:13:28.

Samantala sa 400 meter medley relay secondary girls ay nalampasan ng NCR sa pamamigitan ng 4:34:6 ang record ng kapwa nila taga NCR na 4:35:09 na nakuha noong nakaraang taon habang sa 400 meter individual medley secondary girls ay binasag nila ang record din ng NCR na 4:32:68 sa pamamagitan ng 4:34:59.